To start, tell us who you are. 

Hi, I'm Alexis Florendo, 25yrs old and I'm a Filipino skateboarder. 

Where are you originally from and how did you get into skateboarding?

I'm from cubao QC, And kaya ako/kami ng kapatid ko napasok sa skateboarding or nagka interest sa skateboarding dahil one time nanunuod kami ng kapatid ko (Adrian Florendo) ng AXN way back 2008-2009 tapos skate competition yung segment sa axn nung time na yun, Tapos nag usap kami na parang ang sarap mag skateboard ah. Nag iimaginary ollie ollie kami haha, Sakto mag papasko, ayun yung mga napamaskuhan namin pinang bili namin ng isang skateboard sa SM department store tapos nag share kami. Dun na nag simula ang lahat

Who were the guys you looked up to when you started skating? 

Madami eh, Pero sa international syempre ang sikat nung time na nag start kami, Si Ryan Sheckler, Chaz Ortiz, Rodney Mullen. Sa local naman si David Valino, at Ansey Flores. 

How did the lockdowns affect your skateboarding opportunities?

Mahirap, Kasi unang una di makalabas at makapunta sa mga skate spots. Walang competition na masalihan. Pero buti na lang natyaga namin mag skate sa garahe hahaha at may mga online competition naman na nasasalihan. Yung nga lang medyo limited yung skate kasi naiingayan mga kapitbahay

What was your favorite part during the filming of “Out Here”? 

Favorite part ko during the filming of “out here” is yung nag kakasama sama kami sa tuwing mag ffilm at yung bonding na solid before and after ng film kahit yung iba 1st time ko palang makasama tsaka yung pag lahat kami nakaka gawa ng clip sa spot na napuntahan namin.

When you’re not skateboarding – what are your favorite ways to unplug from the buzz of everyday life?

Siguro yung pag ttrail. Lately kasi nung nag simula yung pandemic, since lockdown di makapag out of town nagka yayaan kaming mag ttropa na mag mag buo ng enduro/motocross bike so ayun nag uubos kami ng oras sa loob ng bundok at naliligo sa ilog hahaha yan siguro trip ko kung di ako nag skateboard. Or pwede din nag ppaint. 

Any advice for someone who’s new to skateboarding? 

Advice ko sa mga gusto or beginners sa skateboarding is tuloy nyo lang yung ginagawa nyo. Just have fun. Magugulat ka na lang baka isa kana sa maging representative ng skateboarding sa pinas soon. 

What are your favorite DC shoes? 

Fave shoes ko sa DC is yung DC manual S. Masarap pang skate, Komportable sa paa at hindi kasi ako natatapilok sa shoes na yun 

Nice. Any one you wanna give a shoutout to wrap up the interview?

Shoutouts sa DC ph sa pag bibigay ng opportunity na makasama ako dito sa project na to, At shoutouts sa WildDawgs at sa lahat ng tropa jan! Stay safe!

Shopify Aeroworx