To start, tell us who you are.
Ako nga po pala si jundi
Where are you originally from and how did you get into skateboarding?
From Quezon city. I bought my first skateboard as my bday present nung 14 years old palang ako pero wala akong kalaro kaya nag-stop ako then after 3-5months ata yun? nakita ko yung kapatid ko na nagi skate at marunong na siya magpatulay sa tubo gamit ang skateboard kaya bumalik ako sa pag i-skate dahil sa kapatid ko. Isa pa mas lalo akong nanggigil magskate ng pinalagari saming magkapatid ng tatay namin ang skateboard namin dahil sa may isang beses na sobrang late na kami umuwi dahil naglaro kami sa isang event. Bago palang skateboard ko nun tapos pinalagari samin ayaw ko man gawin yun at gusto ko ng tumakbo palayo dala ang board ko wala din akong nagawa kundi sumunod haha.
Who were the guys you looked up to when you started skating?
Dee ar (my brother), Rasheed, Akuma, Jeff at David.
How did the lockdowns affect your skateboarding opportunities?
Malala, dahil sa naging limitado ang pag skate namin at yung nakasanayang magskate with friends lalo na ng mag start ang pandemya takot ka na baka magka-covid ka at lagi ka lang nasa bahay para kang masisiraan ng bait sa mga nangyayare at wala kang outlet ng stress mo at hindi ka makapag ehersisyo
What was your favorite part during the filming of “Out Here”?
Syempre wala namang hihigit pa sa maka skate mo ang mga kaibigan mo at mag time out muna sa seryosong buhay at makipagkulitan sa mga skatemate mo during the trip hahahaha
When you’re not skateboarding – what are your favorite ways to unplug from the buzz of everyday life?
Storytelling and playing with my son.
Any advice for someone who’s new to skateboarding?
If you want something, work hard for it. Hindi mo makukuha ang isang trick sa isa o hanggang sampung try minsan aabutin ka pa ng taon bago mo ito makuha. Keep trying and manood kayo ng tutorials sa youtube kung papaano nila ine-execute ang mga tricks. Piliin mo ang mga sinasamahan mong tao yung hindi ka ipapasok sa mga masasamang gawain. Hindi mo maiiwasan na masaktan ka sa pag skate pero kung mangyari yun e magpahinga ka lang dahil marami pang next time. Magpalakas ka ,kumain ka ng masustansyang mga pagkain at uminom ng maraming tubig.
What are your favorite DC shoes?
DC Kalis S, protektado paa ko sa sapatos na yan.
Nice. Any one you wanna give a shoutout to wrap up the interview?
Shout out nga pala sa asawa ko, family at lahat ng mga kaibigan ko dyan, kay Jd Yu (KickEngines Skateshop), Jan Marron Villapando (DC Shoes PH), Raibyn Cabiling (Illa Manila), Niño Claudio (Bahu Socks) at kay Vincent John Chua haha sa pagsuporta niyo sakin mabuhay kayo! At sa lahat ng mga hindi ko nabanggit, mahal ko kayo.